Tuesday, March 8, 2016











 Paggamit ng Wikang Filipino bilang panghikayat sa mga produktong binebenta ng mga Entreprenyur sa Pilipinas
Carmela S. Mercado 
FILI 1023










Abstract
            Ang wika o komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang salik upang makapanghikayat ng mamimili sa pagtitinda ng isang produkto. Ang pagkakaroon ng magandang kasanayan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa mga negosyante sa pagpapalago ng negosyo. Mas mainam na gamitin ang sariling wika upang higit na maakit ang mga mamimili sa isang produkto sapagkat mas madali nila itong maiintindihan at mauunawaan. Ang isang negosyante ay dapat mayroong magandang kaugalian sa pakikipag-usap upang lalong tangkilikin ang isang produkto. Ang paggamit ng mga tagalog na salita sa pagbebenta ay nagbibigay ng magandang epekto sa mamimili upang higit na mahikayat ang mga ito sa iba’t ibang bagay na binebenta. Sa tulong ng pamanahong papel na ito, tinalakay at pinag-aralan ang paggamit ng sariling wika sa panghihikayat sa mga produktong benebenta. Sa kabuuan, hangarin ng pag-aaral na ito na maipabatid sa mga Pilipino na higit na nakatutulong ang sariling wika sa pag-unlad ng isang bansa at karapat-dapat tangkilikin ang sariling atin.




            Ang pagiging aktibo sa pakikipagkomunikasyon ay isa sa pinakamahalagang sandata na dapat angkinin ng isang negosyante. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa pakikipag-usap ay maaaring maging dahilan upang matamo ang masaganang pagpapatakbo ng negosyo. Ang komunikasyon ay hindi gagana kung walang wika. Wika ang gumaganap ng pinakamahalagang bahagi sa komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa lipunan. Dahil ito ang ating ginagamit sa pakikipag usap at ito rin ang tawag sa mga salitang lumalabas sa ating bibig kapag tayo ay nakikipag-interacksyon sa paligid.
Ayon kay Mabilin (2012) “Ang wika ay dumudukal at lumilinang ng karunungan ginagawang salalayan sa pagtamo ng makabuluhang landas sa buhay” at Ayon kay Todd (1987) “Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din. Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.” Na nangangahulugang na ang wika ay nagsisilbing instrument o simbolo upang maibahagi ng tao ang kanyang kaalaman sa kapwa. Katulad ng isang negosyante, ang pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman sa isang produktong benebenta ay bunga ng wikang ginagamit. Dahil sa pakikipag-usap ng tao, ito ay nagsisilbing gabay upang makapaghikayat ng isang mamimili. Wika rin ang nag uugnay sa bawat tao upang lubos na magkaunawaan. Ito rin ang ginagamit upang maipahayag ang sariling ideya, kaisipan, katalinuhan, at kakayahan sa anomang larangan. At sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon o pakikipag-usap nakakakuha tayo ng katugunan mula sa kausap na maaaring pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon na tumutukoy sa pagkakaroon ng isang tao ng epektibong pakikipanayam sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyong napapahayag ng isang entreprenyur, maaaring makontrol nito ang kaisipan ng mamimili upang tangkilikin ang isang produkto.
Ang mga entreprenyur ay ang mga taong nagtatayo ng sariling negosyo o pagkakakitaan na may dedikasyon sa kanyang ginagawa at tinatangkilik din ang sariling produkto. Ayon kay Asor (2009) “Entrepreneur is an individual or a person who owns and manage his own business, and engaged in selling and a middleman who stands between buyer and seller” Sila rin yung may mga kakayahang harapin ang problema at subukan sa mga bagong karanasan sa buhay. Ayon rin kay Asor may sampung katangian na dapat angkinin ang mga entreprenyur upang sila ay magkaroon ng magandang buhay o maging successful. Una, dapat ang entrepreneyur ay may katangiang “self-awareness” dapat kilala ang kanyang sarili, alam kung ano ang gusto at hilig na gawain. Kung ang negosyong tatahakin ay ang mga bagay na nagpapasaya at naglilibang sa isang negosyante maaari ito maging daan ng pag unlad. Pangalawa, “self-motivated” dapat mayroong inspirasyon sa pagpapalakad ng negosyo. Upang lalong lumago ang isang negosyo dapat laging isipin ang mga bagay o taong nakapagbibigay ng lakas upang makapagtrabaho sa pang araw-araw. Pangatlo ay “courage” dapat ang entrepreneur ay payag at kayang harapin lahat ng balikid sa buhay upang maging matatag at mapatibay ang isang negosyo. Pang-apat ay “confidence” kung naipapakita sa mamimili na nagpapakatotoo ang entreprenyur sa produktong itinitinda at may lakas ng loob na ipagmalaki ang produktong benebenta, magtitiwala rin ang mga ito na karapat-dapat tangkilikin ang isang produkto. Panglima ay “positive thinker” huwag iisiping babagsak ang nasimulang negosyo, dapat laging pagtutuunan ng pansin ang maaaring magandang kalabasan ng isang negosyong pinapamahalaan. Pang anim ay “patience” dapat marunong umintindi na hindi sa lahat ng oras maraming bibili sa isang produkto. Minsan maaaring kukunti ang maaaring kitain pero huwag dapat panghihinaan ng loob at laging isipin na dapat ipagpatuloy lang ang ano mang nasimulan. Pangpito ay “decisiveness” dapat magaling magdesisyon sa mga maaaring kaharapin sa buhay. Hindi dapat masayang ang panahon dahil bilang entreprenyur ang bawat oras ay mahalaga. Pangwalo ay “knowledge” dapat may kaalaman sa kung ano ang ginagawa sa negosyo para mas madaling makakapagplano o makakapag-isip ng mas maganda para sa hanapbuhay. Pangsiyam ay “innovative” kung ang entreprenyur ay may kakayahang gumawa at mas pagandahin pa ang mga produkto, higit na tatangkilin ito ng mga mamimili dahil sa pagiging kakaiba sa lahat. Mas madaling uunlad ng isang negosyo kung may katangiang ganito ang isang entreprenyur. At ang pangsampu at “opportunity-seeker” dapat bukas ang isang negosyo sa iba’t-ibang bagay na maaaring makatulong upang lalong mapabuti ang mga ito.
Ang Negosyo ay isa sa pinakapleksibol na trabaho sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng negosyo o pinagkakakitaan, maliit man o malaking hanapbuhay basta ito ay kumikita ito ay kapakipakinabang. Ayon kay baguhangrakista (2011) “Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa mga consumers. Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng mga mamamayan”. Ang negosyo ay isa sa pinakamabisang paraan sa pag unlad at pagyaman ng isang mamamayan. Mahalaga ang negosyo sapagkat ito ang susi ng kaunlaran ng bawat pilipinong may kakayahang pamalakaran ang isang bagay. Dahil sa bawat maunlad na negosyante ay kaakibat ang pag-unlad ng bansang kanyang kinatatayuan. Negosyo rin ang pinagkukunan ng lahat ng pangangailangan ng isang tao. Kung walang negosyo ang isang bansa, maaaring bumagsak at maghirap ang mga tao dahil magkakaroon ng labis na kakulangan at kawalan ng mga bagay na kailangan ng tao sa pang araw-araw. Ang mga produktong nalilikha at ibinabahagi ng isang negosyo ay may kanya kanyang kahalagaan o importansya kung bakit dapat meron ang isang tao. Produkto ang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao upang mabuhay. Malaki ang naiaambag ng negosyo sa bawat tao kaya dapat pagtuunan ng pansin kung paano mas palalaguin ang mga negosyong mayroon sa Pilipinas. Kailangang malaman ang mga paraan kung paano higit na tatangkilin ang produktong napruprodyus at mga estratehiya sa panghihikayat sa mamimili.
Ayon kay Colayco (2013) “Lahat ng mga matagumpay na negosyo ay may tinatawag na ‘Elegant Solution,’ isang panukalang pang-negosyo na masasabing natatangi at makabago kayat mahirap kopyahin o gayahin. Tinutugunan nito ang isang problema o pangangailangan (maliit man o malaki) upang maging matatag ang aspektong pinansyal ng isang negosyo. Ang ‘Elegant Solution’ ay dapat maging simple at madaling maipahayag o mai-communicate – sa investors, mga kasosyo sa negosyo, mga manggagawa, at mga kliyente. Nakasalalay ito sa tiyak at malinaw na paggamit sa wika at sa kahulugang nais ipabatid nito.”
Ano ng aba ang karaniwang salita o wikang ginagamit ng negosyanteng pilipino sa panghihikayat sa mamimili? May mga pilipinong may katangian ng isang matyaga at masigasig na negosyante ngunit kulang sa karanasan sa pakikipanayam. Kung may mga taong higit na nahihirapan maipabatid ang kanilang saloobin at nalalaman sa isang bagay, mas mainam na gamitin ang sariling wika o ang pambasang wika ng Pilipinas na Filipino.  Ayon din kay Colayco “Kung makakaugalian ng mga Filipino ang paggamit ng tiyak na wika at mapanuring pag-iisip, siguradong hindi lamang komunikasyon ang uunlad, kundi pati na ang paraan ng paggawa sa trabaho at pagtupad sa mga tungkulin.” Ang kasanayan sa paggamit ng sariling wika ay nakatutulong sa pag-unlad ng antas ng pamumuhay at pagiging epektibo upang makaraos sa kahirapan ng lipunan dahil maaari itong maging daan upang tawaging “Elegant Solution” ang mga entreprenyur sa Pilipinas.
Sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalago ang teknolohiya sa buong mundo. Sa bawat pagdagdag ng mga makabagong kagamitan kaakibat nito ang pagpapalabas ng mga anunsyo sa mga kahalagahan at magandang dulot nito sa mga mamamayan. Katulad nalang ng pagkakaroon ng telebisyon, nakakatulong ito sa panghihikayat sa mga Pilipino sa pagpili ng produktong maaaring bilihin. Ngunit ano nga ba ang madalas na salitang ginagamit ng mga taong gumaganap sa komersyal sa telebisyon? Kung ito ay pag-aaralan, makikita na halos lahat ng komersyal na mayroon tayo sa mga programa ay gumagamit ng salitang Filipino. Ito ay sapagkat ang sariling wikang mayroon tayo ay mas higit nating nauunawaan kaysa sa iba. Mas nakakapang-akit ang mga filipinong salita sapagkat higit na naipapahayag natin ang nais ibahagi sa kapwa.
Ang paggamit ng wikang Filipino ay higit na nakaiimpluwensiya sa mga taong nakakarinig sa isang programa. Isang patunay na rin naman ang ibat-ibang anunsyo na mula sa ibang bansa na nilalapatan ng wikang Filipino upang higit nating maunawan at makahikayat ito ng mga mamimili. Katulad ng mga komersyal sa mga instant noodles, pampaganda o pampaputi, lotion, shampoo at iba pa. Mayroon din namang sariling atin na tumatatak sa isipan ng mga mamimili katulad ng mga komersyal na hinahaluan ng mga kanta na katulad ng Nesfruta ni Cheska at Kendra Garcia-Kramer (dandandan dalandan), ang eskinol ni Maine Mendoza (ayaw ko ng magmahal, ayaw ko ng manalamin), Camella Homes Ad. (Buliit-buliit), Mcdo, Jollibee, Downy Rabadabango ni Kris Aquino, Master Gel ni James Reid (mahirap mahirap ang maging pogi) at iba pa. Dahil sa mga nakakaaliw na tugtog na naririnig ng mga mamimili sila ay nahihikayat upang subukan ang produktong inaanunsyo.
            Tumatatak rin sa isipan ng mga tao ang mga tagalog na linya o islogan ng bawat produktong benebenta sa pamilihan. Katulad rin ng Cornetto “Saan aabot ang 20 pesos mo?”, Eskinol “Linis-Kinis”, Mcdo “Aldub ko to’”, Lactum “100% Panatag”, Jollibee “Bida ang Sarap o ang Jollibee Yum Burger “Langhap Sarap”, Biogesic “Ingat”, Ceelin “Protektado”, Bayantel “Gaganda pa ang buhay” Bingo Biscuits “Bi-bingo ka sa sarap”, Chowking “Tikman and tagumpay”, Cobra Energy Drink “Hindi umaatras and may tunay na lakas”, Datu Puti Vinegar “Mukhasim”, Family Rubbing Alcohol “Hindi lang pampamilya, pang-isports pa!”, Fita Biscuits “Parang life”, Globe Telecom “Abot mo ang mundo”, LBC “Hari ng padala”, Mang Inasal – “Hahanap hanapin mo” , Mercury Drug Store “Nakasisiguro gamot ay laging bago”, “Meralco “May liwanag and buhay”, M. Lhuillier “Numero Uno ng Bayan”, Rebisco “Sarap ng filling mo” ,“Red Horse Beer “Ito and tama”, SkyFlakes Crackers “Ito na ang break mo”, Alaska Milk “Wala paring tatalo sa Alaska” at iba pa. Dahil sa tulong ng pag-aanusyo sa telebisyon ay tumatatak ito sa isipan ng manunuod at pumapatok sa isang tao ang mga impormasyong nakalap muna sa programa.
            Tulong na rin ng patuloy na paglago ng teknolohiya sa mundo, nagkaroon na rin ng ibat-ibang pamilihan sa internet o tinatawag na online shop. Maraming entreprenyur na rin ang nagbebenta ng kanilang produkto gamit ang facebook, websites at instagram. Katulad ng mga website na AyosDito.ph , Sulit.com at iba pa. Sa unang kita o basa palang sa mga pangalan ng website na ito ay siguradong maakit at maiengganyo ang tao na alamin ang mga bagay na binebenta sa tindahang ito.
            Ang mga tagalog na pangalan ng mga negosyo ay nakatutulong upang higit na mahikayat ang mga tao. Malaki ang naitutulong ang pagkakaroon ng magandang pangalan na negosyo upang magkaroon ng malaking kita. Kung makakalikha ng mga kakaibang pangalan ng negosyo na sa unang pagbasa palang ay magkakaroon ng ideya ang mga mamimili tiyak na mas tatangkilikin ito ng mga tao. May mga simpleng filipinong mga salita na labis ding tumatatak sa isipan ng mga tao ay mas mabuting gamiting pangalan sa isang negosyo.
            Ang mga nabanggit na halimbawa ay ilan lamang sa patunay na higit na nakakapaghikayat ang mga filipinong salita sa pagbebenta ng produkto. Dahil ang wikang Filipino ang pinaka instrumento na dapat pahalagahan ng mga Pilipino sapagkat ito ang susi ng pagkakaisa upang umunlad ang Pilipinas. Ang paggamit ng sariling wika ay daan ng pagkakaunawaan at pagmamahalan ng bansang kinasasakupan.


















Reference

Edwin R. Mabilin (2012) Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino Todd (1987).  Kahulugan at Katangian ng Wika. Page6-12
Winefreda T. Asor, Ph.D. (2009). Entreprenuership in the Philippine Setting. Attributes, Qualities and Characteristics of an Entrepreneur. Page14-17
Yenbehold (2010). Wika at Panitikan. Batayang Kaalaman sa Wika.
http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html
Baguhangrakista (2011). Kahulugan ng Negosyo. Ano ba ang Negosyo at Pagnenegosyo?
Francisco J. Colayco (2013). Wikang Filipino Para sa Maunlad Na Negosyo
Gellian Grace Baaco et.Al. (2012). Ang kahalagan at mgakadahilanan kung bakit wikang filipino ang ating wikang pambansaat ang kaugnayan nito sa unlad pang-ekonomiya.pdf
Frauline Tadle  (2012).  Wika ng Telebisyon: Epekto at Kahalagahan sa Wikang Filipino.pdf
Pinoytechnoguide (2012-2015). Online Shop in the Philippines
Victorino Abrugar (2011). List of Famous Filipino Brand Names and Slogans
http://businesstips.ph/list-of-famous-filipino-brand-names-and-slogans/
Rafael Martin Mendoza et.Al. (2010). Ang Kagandahan ng Pangalan ng Negosyo ay Nakakahikayat sa mga Kostumer

http://gonegosyo-1-emid.blogspot.com/

Monday, September 14, 2015

Imahinasyon

Ulilang lubos na si Jhay. Limang taon ng patay ang kanyang ina, ama at kapatid matapos maaksidente sa kanilang kotse noong uuwi sila sa kanilang probinsya. Siya lamang ang nakaligtas dito. Ngayo’y 25 na taong gulang na siya, nagtratrabaho sa isang kompanya dahil nakapagtapos siya bilang isang IT o Information Technology. Subalit siya ay may matinding pinagdadaanan sakanyang buhay. Siya ay kayumanggi, hindi katangkadan, hindi makinis ang mukha, simpleng manamit, tahimik, seryoso sa buhay at kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakatira siya sa lumang bahay na naiwan sakanya ng kanyang mga magulang at ipinamana pa ng lolo ng kanyang lolo. Kitang kita ang kalumaan ng kanyang bahay sapagkat ito’y gawa pa sa kahoy. Malawak ang kanilang tahanan na may dalawang kwarto sa ibaba at may apat na kwarto sa itaas. Ang ibang bintana nito ay sira na at ang bubong ay butas-butas. Hinahayaan nalang ito ni Jhay at hindi binibigyang pansin dahil siya nalang din naman ang mag isang naninirahan dito. Pinagtyatyagaan niya nalang ito at hindi pinapaayos. Kinalimutan siya ng parang bula ng mga tita at tito niyang nakakaalala lamang kapag may kailangan noon sakanilang pamilya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap ang kanyang forever kaya wala pa siyang iuuwing pamilya sa bahay na ito. At halos lahat ng kaibigan at kapit-bahay niya ay takot pumasok dito. Kahit na matagal nang wala ang kanyang pamilya lagi pa rin niyang nararamdaman na nasa paligid niya lang ang mga ito. Naririnig niya tuwing 3:00 ng madaling araw ang pagtunog ng mga pinggan na laging inaayos ng kanyang ina sa tuwing pagkatapos nilang maghapunan noon. Ang pagbukas ng radyo na tila tuwang tuwang nakikinig ang kanyang ama sa mga joke dito. Ang pag ugtol ng bola sakanilang sahig habang naglalaro ang kanyang limang taon na bunsong kapatid at ang pagyakap sakaniya ng paborito niyang kapatid habang natutulog at naglalambing. Sanay na sanay na si Jhay sa mga eksenang ganito at minsan sumisigaw na lamang siya ng “Ina, dahan dahan lang po sa paghuhugas” “Ama, hinaan niyo naman ang radyo at ang tawa ninyo dahil natutulog ang paborito kong kapatid” “Oh ikaw bunso, magpahinga ka na, halos maghapon ka ng naglalaro dyan ng bola mo ah” at sabay pipikit ulit at matutulog.
Isang gabi, 9:00pm na ito nakauwi sakanyang tahanan dahil pinag overtime sila ng kanilang boss at natagalan pa sa pagbyahe pauwi dahil sa walang humpay na lakas ng ulan. Pagkarating niya sa kanyang bahay ay agad siyang kumuha ng planggana na pinangsagod niya ito sa mga tumutulong tubig sa bubong. Pilit din niyang inaayos ang bintana na bukas sara sa sobrang lakas ng hangin. Ang kurtina nila ay nililipad na din na tila may babaeng nakatayo sa may bintana. Naririnig na din niya ang kanyang pamilya na natatarantang ginagawa pa rin ang madalas niyang naririnig tuwing 3:00 ng madaling araw. Napalakas din ng kulog at kidlat ng biglang nanghina si Jhay. Pumunta siya sakanilang paliguan habang nakayuko at nakita niyang may pumapatak na dugo mula sa kanyang mukha. Takot na takot itong humaranap sa salamin at nakita ang sarili na duguan ang buong mukha. Takang taka siya kung bakit ito dumudugo, nagmadaling naghilamos si Jhay at natuklasan niya na pumutok lang pala ang pinakamalaking tigyawat sa kanyang noo. Tumawa si Jhay ng napakalakas habang lumakad papasok ng kanyang kwarto sabay sabing ”Hahahahahaha, ang tagal tagal ko ng malungkot at ngayon ko nalang nakita ang sarili ko ganito kasaya. Siguro kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan. Masyado akong nagpapaapekto sa mga taong wala na sa buhay ko. Alam kong mahal nila ako pero masyado ko nang pinapahirapan ang sarili ko dahil sa mga imahinasyon ko” at Tumila na rin ang ulan at natulog ng mahimbing si Jay, simula ng gabing iyon hindi na siya nag isip ng kung ano anong bagay.

Malaki ang pinagbago ni Jhay makalipas ang gabing iyon, mas naging masipag siya sakanyang trabaho at palangiti sa kapwa tao. Umiba na rin ang kanyang pananamit at mas naging pormal sa sarili, unti unti na ding nawawala ang mga tigyawat sa kanyang mukha. Makalipas ang isang buwan, nahanap na rin niya kokompleto sa buhay niya. Lumipat na rin sila ng tirahan, bago ito umalis at kalimutan lahat ng mapapait na alala sa lumang tirahan ay sinambit niyang “Paalam na, masaya ako dahil alam ko sa sarili ko na ayos na ako at masaya sa kung anong natira sa buhay ko”. At simula noon, masayang nagkapamilya si Jhay kasama ang kanyang asawang si Lily.

Retso


Isang panibagong araw na naman. Kagaya ng nakagawain ni Jay, gigising siya ng 5:00 ng umaga at maghahanda upang pumasok sa trabaho. Kakaiba ang araw na ito para sakanya. Nagmadali siyang maligo at ihanda ang kayang makakain. Masayang masaya siyang lumabas sakanyang tirahan at sumakay ng kotse. Pagkarating niya sa pinapasukan niyang kompanya isang masiglang bati ng “Umagang kayganda” ang kanyang sinasambit sa lahat ng kanyang nakakasalubong na tao. Masiglang ginagawa ni Jay ang lahat ng nakaatas na gawain sakanya. Lahat ng kaibigan niya ay nagtataka sa ikinikilos niya. Ngayon nalang ulit nila ito nakita ng ganito kasaya.
Mark: “Pare, bakit parang may iba sayo ngayon?”
Jay: “Pare! Ito na! Alam ko ito na ang tamang panahon”
Mark: “Pare, sigurado ka na ba dyan?”
Jay: “Oo pare, siguradong sigurado”
            Alam ng buong barkada na lahat ng nakakasama ni Jay na kumain sa isang magarang resto ay nawawala nalang sa buhay niya ng parang bula.
Jay: “Pare sigurado na talaga ito, bumalik na siya”
Mark: “Sige pare, suportado ka naming dyan” sabay tinapik ang balikat.
            Kagaya ng dati, magkikita sila ni Lea sa nakagawiang resto na kanilang kinakainan.
            Pagkatapos ng trabaho agad na inasikaso ni Jay ang kanyang sarili. Umuwi sa kanyang bahay, naligo, hinanap ang kanyang bagong biling damit na nasa aparador, isinuot ito, humarap sa salamin, ngumiti, nagpapogi at sinabi sa sarili: “Jay ito na talaga. Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito, ayusin mo.” Nang bigla siyang nataranta “Naku, 6:00pm na pala, baka mahuli ako nito traffic pa naman sa daan.” Agad na may kinuha nito ang maliit na kahon sa lamesa at sumakay sa kanyang sasakyan. Saktong 7:00pm nakarating na siya sa napagkasunduang lugar. Makalipas ang 30 minuto tila hindi pa rin dumadating ang taong kanyang hinihintay. Tila nanghihina na siya at nawawalan ng pag-asa. Akmang tatayo at patalikod na siya ng may biglang tumawag sakanya. “Jay, saan ka pupunta?” Humarap siya dito at sa paglingon niyang iyon lungkot at sakit ang kanyang nadama. Tila gumuho ang mundo niya at nawala ng isang iglap ang lahat ng plano niya. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng taong pinakamamahal niya na kahit iniwan siya nito noon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Lumapit si Lea sakanya ng may malaking ngiti at sinabing “Kumusta na Jay? Wala ka pa ring pinagbago ah.” Siya nga pala, pasensya na kung napatagal ang pagdating ko at pasensya ulit dahil aalis na din agad ako, madami pa kaming aasikasukin eh. Kasama ko nga pala yung mapapangasawa ko, nandoon siya sa labas hinihintay ako. Gusto ko lang talaga ibigay saiyo itong imbitasyon sa kasal ko. Sana makarating ka, saka gusto ko rin paglabas ng anak ko (sabay hawak sa tyan) isa ka sa magiging ninong niya. Yun lang Jay, Salamat sa lahat. Aalis na rin ako, kita nalang tayo sa Sabado, huwag mong kalimutan ha?” Sabay yakap ni Lea kay Jay at umalis. Samantala, si Jay ay naiwang nakaupo at tulala. Sa huling pagkakataon iniwan na naman siya ng babaeng kanyang dinala sa resto na ito. Nanglumo si Jay at nabitawan ang singsing na hawak niya. Umuwi siya sa bahay at dinaan nalang sa tulog ang lahat at inisip na isang masamang panaginip nalang ang nangyari sakanya ng araw na iyon.



Tuesday, January 20, 2015

Try your Best

In the stage of teenager, almost all the great happenings will be experienced in this chapter. Experience is a good example that will help us to become a better individual. Through this experience even it's bad or good there's always a reason why God gave it to us. Sometimes, because of depression and imagination we think for the possibility and outcome of what we might experience even it is not yet done or happened.

We're very thankful in all the blessings that God gives us. Even in small things, we pray and appreciate all the love he showed to us. Also in all the problems he gives, there's always a God's plan for us to become better individual that's why we need to thank him every day. Even just an ordinary day and there's nothing bad that happened to us, we need to be thankful, even we're not too much happy let's thank him because we're still blessed as always.
We are over reactive in simple things that happened to us. In the times of facing our fear, we always commit not to face it, not to walk straight with it, to snob it and think of other things to forget it. Always remember that trying is better than thinking that you can’t. Not all of our instincts are right. It is good to face something new to your life. Don’t be such fool who will just sit in the corner of your house and wait for the blessings to come.

Lets all make a move. Drop every fear and enjoy everything that comes to us.


Be True Be Real

How many % you used your trust in a person? For me, trusting was never easy. I encounter different kinds of people every year and these become my challenges in the most difficult thing i always do in my life.

Trust. You know what, this generation have full of plastic people. It is not easy to join and mingle to others. Whatever you do, they will always judge you.

There are people who love having more friends in their life. Attend and meet at different events together and make more and more friends there. But they always end up not happy because some are just using them and backstabber.

There are people who make friends at texts and chats. Most of this give trust to the person they talk even they haven’t seen them in personal. That's how easy they give their trust. They share more dramas and happy moments in their life even they doesn’t know each other so much.

There are people who have friends that they know they could tell and share everything they want but they are not fun of telling others their secrets. Even he/she shows their trust, not all the things she/he wants to say could be told.

There are also people who have many friends and that “many friends” are been told of what she want to express. She trusts all her friends or other people easily.

And there are people who have enough friends but their secrets were only told to few of her/his friends. Some person shared their secret depends on how they trust others, which he/she knows that that person will understand him/her and will be surely trusted 100% in what she/he was saying.

There are different kinds of people. Different personalities, different ways on how they face others.

But for me, I just want to share to others and remind them that trusting was never easy. True friends are hard to find. Not all the person you encounter will create goods things at your side, some are just those who will destroy your beautiful life you are living.

Hey, it is not hard to be true, to be ourselves! As long as you know that all the things you do is true in your heart. Even we're too bad, all the persons we encounter will accept us if they know and feel that we're true to them and to ourselves.


Twins

Do you ever wish to have a twin sister or brother? Isn’t it nice?

I love wondering. Sometimes, I find myself thinking and imagining having a twin sister. Whose I can see my same physical appearance and observing her if we’re too the same.  I always thought, if I have a twin, what are the differences we have? What things that we will like both?
Comparing two persons with the same appearance was never easy. It’s nice to have someone who have same taste like yours, someone that will understands you most of the time and someone that will always at your side.

It’s so nice to have the most loyal bestfriend, most loving sister, best companion since birth. Someone that knows everything about you, telling all your secrets as if you’re writing on your diary but you’re telling it live with her. Someone who admires you in all the things you do and loves you even you have so many weakness in life. She gives you strength to fight in all challenges you take and well informed about your ups and downs. Someone whom you can tell everything your negative sides having full of confidence yet she will never judged and she will always loves you all the time.

But, even though I don’t have someone like her, however I got someone better with all I wish for. Suddenly, someone came in to my life and gives so much impact as I live in this world. I experienced all the things I dreamed of and become happier as he takes a step to me. I got my twin brother.

Most people say that having someone in your life whose look-like you slightly are your soulmate. I’m much pleasured to know him and proud to say that I found one. He’s the most handsome and coolest guy I met because of our similarities. Do you even think that our birthdates added to the fact of the possibility that we’re twins? Haha, my birthdate was 4days after his birthday. Isn’t it cool? We have so many things that we agree with each other.

I used to call him “kambal”. He’s someone who feels me the great feeling of being loved, being a great bestfriend and always there for you when you need him. Even he has many things that need to be done but he always feels to me that I’m more important to everything. He does his best just to make me happy as the happiest girl in this world.

Even the time that I give up, he never get tired of holding me and try to stand me in all problems we have. His way of living as he walks in his life was with God wherever he goes. He lives his life with God and that’s such a cute thing tough. That’s the most perfect thing that I loved to him. So I’m very thankful to feel all this because of him.


For me, he’s perfect. Nobody would be better to him. He’s someone that everybody needs and everybody could love him. He’s the best twin brother. All our similarities will be kept in a jar of heart even we will be separated by time, a little time to make our better future. I know, after all this things, we will meet again and live our life as the cutest twins in this world. You will always be my angel and my brother, not in blood but in heart. Thanks for everything.

Sunday, December 7, 2014

Count Every Moment, It's the Best

Family? Most people say that our school is our second home. Where our teachers are the mothers and fathers and our classmates are the sisters and brothers.


All of the fun I have at home can be found in my school. I really love the feeling of being appreciated and loved by others, having someone to lean on that sometimes makes me think that I rather stay more time at school than going home early.

Being one of the members in IV-Becquerel is such a blessing. In this section I met different kinds of persons but united by one goal. They teach me to become a responsible student. They make me happy and give me lots of opportunity to be good and to do what is good. They were my inspiration to do the best in everything I encountered.

Through ups and downs, we always united as one. Facing all the struggles with each other and never leave others at the bottom. Whatever will happen, everyone is there to support and to give strength with each other.

We built so many memories that we will cherish until we get old. During the time of some our teachers got mad to us. When Mam Nuyles told us to get an excuse letter for not attending her class, When Mam Silvio and Sir Ted get mad because of creating too much noise and some of us are perfectionist. Sir Dela Torre called us “Laughing Becquerel” and the worst, when Mam Vega told us to shout in front of her one by one before we can leave her room. Those things that we are cramming for submitting our projects not on time and applying our forms in different schools.

The most unforgettable was the time of English Fair. When we united as one and support each other that we will be on the top. During Jazz Chant and Speech Choir are the best moments ever. Also during Parade of Literary Characters we became solid. The time of Family day, we really enjoy playing at the Quadrangle with other sections and year levels. And the bonding that never ends was… having conversation or chatting with each other every night. Making hugots and dramas in everyone.

We will not become a better person if she’s not here. Thank you to our Beautiful Adviser Mam Venus Vedad soon to be Lamadrid. I wish them for all the best. Without her, I don’t think we will be as happy as we are now in our section. She’s the foundation of our Happiness.

But now, there are four months remaining. We only have little time to bond together. It is hard to say goodbye. It is not easy to leave each other. Farewells remind us that this are not forever, nor are they the end. They are simply words to say that I will miss you dearly and that I will remember you fondly.Although we may be separated by time and distance in the interim, nothing will diminish the important role that they have and always will play in my life.



I wish you happy adventures, fantastic new friendships, amazing experiences and the journey of a lifetime. I love you guys.