Paggamit ng Wikang Filipino bilang panghikayat
sa mga produktong binebenta ng mga Entreprenyur sa Pilipinas
Carmela S.
Mercado
FILI 1023
Abstract
Ang wika o komunikasyon ay isa sa
pinakamahalagang salik upang makapanghikayat ng mamimili sa pagtitinda ng isang
produkto. Ang pagkakaroon ng magandang kasanayan sa pakikipag-usap ay
nakatutulong sa mga negosyante sa pagpapalago ng negosyo. Mas mainam na gamitin
ang sariling wika upang higit na maakit ang mga mamimili sa isang produkto
sapagkat mas madali nila itong maiintindihan at mauunawaan. Ang isang
negosyante ay dapat mayroong magandang kaugalian sa pakikipag-usap upang lalong
tangkilikin ang isang produkto. Ang paggamit ng mga tagalog na salita sa
pagbebenta ay nagbibigay ng magandang epekto sa mamimili upang higit na
mahikayat ang mga ito sa iba’t ibang bagay na binebenta. Sa tulong ng
pamanahong papel na ito, tinalakay at pinag-aralan ang paggamit ng sariling
wika sa panghihikayat sa mga produktong benebenta. Sa kabuuan, hangarin ng
pag-aaral na ito na maipabatid sa mga Pilipino na higit na nakatutulong ang
sariling wika sa pag-unlad ng isang bansa at karapat-dapat tangkilikin ang
sariling atin.
Ang pagiging aktibo sa
pakikipagkomunikasyon ay isa sa pinakamahalagang sandata na dapat angkinin ng
isang negosyante. Ang pagkakaroon ng kasanayan sa pakikipag-usap ay maaaring
maging dahilan upang matamo ang masaganang pagpapatakbo ng negosyo. Ang komunikasyon
ay hindi gagana kung walang wika. Wika ang gumaganap ng pinakamahalagang bahagi
sa komunikasyon o pakikipag-ugnayan sa lipunan. Dahil ito ang ating ginagamit
sa pakikipag usap at ito rin ang tawag sa mga salitang lumalabas sa ating bibig
kapag tayo ay nakikipag-interacksyon sa paligid.
Ayon kay Mabilin
(2012) “Ang wika ay dumudukal at lumilinang ng karunungan ginagawang salalayan
sa pagtamo ng makabuluhang landas sa buhay” at Ayon kay Todd (1987) “Ang wika
ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kundi ito’y sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito ay
ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may
sariling set ng mga tuntunin.” Na nangangahulugang na ang wika ay nagsisilbing
instrument o simbolo upang maibahagi ng tao ang kanyang kaalaman sa kapwa.
Katulad ng isang negosyante, ang pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman sa isang
produktong benebenta ay bunga ng wikang ginagamit. Dahil sa pakikipag-usap ng
tao, ito ay nagsisilbing gabay upang makapaghikayat ng isang mamimili. Wika rin
ang nag uugnay sa bawat tao upang lubos na magkaunawaan. Ito rin ang ginagamit
upang maipahayag ang sariling ideya, kaisipan, katalinuhan, at kakayahan sa
anomang larangan. At sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon o pakikipag-usap
nakakakuha tayo ng katugunan mula sa kausap na maaaring pagsang-ayon o hindi
pagsang-ayon na tumutukoy sa pagkakaroon ng isang tao ng epektibong
pakikipanayam sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyong napapahayag ng isang
entreprenyur, maaaring makontrol nito ang kaisipan ng mamimili upang
tangkilikin ang isang produkto.
Ang mga
entreprenyur ay ang mga taong nagtatayo ng sariling negosyo o pagkakakitaan na
may dedikasyon sa kanyang ginagawa at tinatangkilik din ang sariling produkto.
Ayon kay Asor (2009) “Entrepreneur is an individual or a person who owns and
manage his own business, and engaged in selling and a middleman who stands between
buyer and seller” Sila rin yung may mga kakayahang harapin ang problema at
subukan sa mga bagong karanasan sa buhay. Ayon rin kay Asor may sampung
katangian na dapat angkinin ang mga entreprenyur upang sila ay magkaroon ng
magandang buhay o maging successful. Una, dapat ang entrepreneyur ay may
katangiang “self-awareness” dapat kilala ang kanyang sarili, alam kung ano ang
gusto at hilig na gawain. Kung ang negosyong tatahakin ay ang mga bagay na
nagpapasaya at naglilibang sa isang negosyante maaari ito maging daan ng pag
unlad. Pangalawa, “self-motivated” dapat mayroong inspirasyon sa pagpapalakad
ng negosyo. Upang lalong lumago ang isang negosyo dapat laging isipin ang mga
bagay o taong nakapagbibigay ng lakas upang makapagtrabaho sa pang araw-araw. Pangatlo
ay “courage” dapat ang entrepreneur ay payag at kayang harapin lahat ng balikid
sa buhay upang maging matatag at mapatibay ang isang negosyo. Pang-apat ay
“confidence” kung naipapakita sa mamimili na nagpapakatotoo ang entreprenyur sa
produktong itinitinda at may lakas ng loob na ipagmalaki ang produktong benebenta,
magtitiwala rin ang mga ito na karapat-dapat tangkilikin ang isang produkto.
Panglima ay “positive thinker” huwag iisiping babagsak ang nasimulang negosyo,
dapat laging pagtutuunan ng pansin ang maaaring magandang kalabasan ng isang
negosyong pinapamahalaan. Pang anim ay “patience” dapat marunong umintindi na
hindi sa lahat ng oras maraming bibili sa isang produkto. Minsan maaaring
kukunti ang maaaring kitain pero huwag dapat panghihinaan ng loob at laging
isipin na dapat ipagpatuloy lang ang ano mang nasimulan. Pangpito ay
“decisiveness” dapat magaling magdesisyon sa mga maaaring kaharapin sa buhay.
Hindi dapat masayang ang panahon dahil bilang entreprenyur ang bawat oras ay
mahalaga. Pangwalo ay “knowledge” dapat may kaalaman sa kung ano ang ginagawa
sa negosyo para mas madaling makakapagplano o makakapag-isip ng mas maganda
para sa hanapbuhay. Pangsiyam ay “innovative” kung ang entreprenyur ay may
kakayahang gumawa at mas pagandahin pa ang mga produkto, higit na tatangkilin
ito ng mga mamimili dahil sa pagiging kakaiba sa lahat. Mas madaling uunlad ng
isang negosyo kung may katangiang ganito ang isang entreprenyur. At ang
pangsampu at “opportunity-seeker” dapat bukas ang isang negosyo sa iba’t-ibang
bagay na maaaring makatulong upang lalong mapabuti ang mga ito.
Ang Negosyo ay
isa sa pinakapleksibol na trabaho sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng negosyo o
pinagkakakitaan, maliit man o malaking hanapbuhay basta ito ay kumikita ito ay
kapakipakinabang. Ayon kay baguhangrakista (2011) “Ang Pagnenegosyo ay
isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at
serbisyo sa mga consumers.
Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng
kita ng mga mamamayan”. Ang negosyo ay isa sa pinakamabisang paraan
sa pag unlad at pagyaman ng isang mamamayan. Mahalaga ang negosyo sapagkat ito ang
susi ng kaunlaran ng bawat pilipinong may kakayahang pamalakaran ang isang
bagay. Dahil sa bawat maunlad na negosyante ay kaakibat ang pag-unlad ng
bansang kanyang kinatatayuan. Negosyo rin ang pinagkukunan ng lahat ng
pangangailangan ng isang tao. Kung walang negosyo ang isang bansa, maaaring
bumagsak at maghirap ang mga tao dahil magkakaroon ng labis na kakulangan at
kawalan ng mga bagay na kailangan ng tao sa pang araw-araw. Ang mga produktong
nalilikha at ibinabahagi ng isang negosyo ay may kanya kanyang kahalagaan o
importansya kung bakit dapat meron ang isang tao. Produkto ang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao upang mabuhay. Malaki ang naiaambag ng negosyo sa bawat
tao kaya dapat pagtuunan ng pansin kung paano mas palalaguin ang mga negosyong
mayroon sa Pilipinas. Kailangang malaman ang mga paraan kung paano higit na
tatangkilin ang produktong napruprodyus at mga estratehiya sa panghihikayat sa
mamimili.
Ayon
kay Colayco (2013) “Lahat ng mga matagumpay na negosyo ay may tinatawag na
‘Elegant Solution,’ isang panukalang pang-negosyo na masasabing natatangi at
makabago kayat mahirap kopyahin o gayahin. Tinutugunan nito ang isang problema
o pangangailangan (maliit man o malaki) upang maging matatag ang aspektong
pinansyal ng isang negosyo. Ang ‘Elegant Solution’ ay dapat maging simple at
madaling maipahayag o mai-communicate – sa investors, mga kasosyo sa negosyo,
mga manggagawa, at mga kliyente. Nakasalalay ito sa tiyak at malinaw na
paggamit sa wika at sa kahulugang nais ipabatid nito.”
Ano ng aba ang karaniwang salita
o wikang ginagamit ng negosyanteng pilipino sa panghihikayat sa mamimili? May
mga pilipinong may katangian ng isang matyaga at masigasig na negosyante ngunit
kulang sa karanasan sa pakikipanayam. Kung may mga taong higit na nahihirapan
maipabatid ang kanilang saloobin at nalalaman sa isang bagay, mas mainam na
gamitin ang sariling wika o ang pambasang wika ng Pilipinas na Filipino. Ayon din kay Colayco “Kung makakaugalian ng mga Filipino ang paggamit ng tiyak na wika at
mapanuring pag-iisip, siguradong hindi lamang komunikasyon ang uunlad, kundi
pati na ang paraan ng paggawa sa trabaho at pagtupad sa mga tungkulin.” Ang
kasanayan sa paggamit ng sariling wika ay nakatutulong sa pag-unlad ng antas ng
pamumuhay at pagiging epektibo upang makaraos sa kahirapan ng lipunan dahil
maaari itong maging daan upang tawaging “Elegant Solution” ang mga entreprenyur
sa Pilipinas.
Sa
paglipas ng panahon, patuloy na lumalago ang teknolohiya sa buong mundo. Sa
bawat pagdagdag ng mga makabagong kagamitan kaakibat nito ang pagpapalabas ng
mga anunsyo sa mga kahalagahan at magandang dulot nito sa mga mamamayan.
Katulad nalang ng pagkakaroon ng telebisyon, nakakatulong ito sa panghihikayat
sa mga Pilipino sa pagpili ng produktong maaaring bilihin. Ngunit ano nga ba ang
madalas na salitang ginagamit ng mga taong gumaganap sa komersyal sa
telebisyon? Kung ito ay pag-aaralan, makikita na halos lahat ng komersyal na
mayroon tayo sa mga programa ay gumagamit ng salitang Filipino. Ito ay sapagkat
ang sariling wikang mayroon tayo ay mas higit nating nauunawaan kaysa sa iba.
Mas nakakapang-akit ang mga filipinong salita sapagkat higit na naipapahayag
natin ang nais ibahagi sa kapwa.
Ang
paggamit ng wikang Filipino ay higit na nakaiimpluwensiya sa mga taong
nakakarinig sa isang programa. Isang patunay na rin naman ang ibat-ibang
anunsyo na mula sa ibang bansa na nilalapatan ng wikang Filipino upang higit
nating maunawan at makahikayat ito ng mga mamimili. Katulad ng mga komersyal sa
mga instant noodles, pampaganda o pampaputi, lotion, shampoo at iba pa. Mayroon
din namang sariling atin na tumatatak sa isipan ng mga mamimili katulad ng mga
komersyal na hinahaluan ng mga kanta na katulad ng Nesfruta ni Cheska at Kendra Garcia-Kramer (dandandan dalandan),
ang eskinol ni Maine Mendoza (ayaw ko ng magmahal, ayaw ko ng manalamin), Camella
Homes Ad. (Buliit-buliit), Mcdo, Jollibee, Downy Rabadabango ni Kris Aquino,
Master Gel ni James Reid (mahirap mahirap ang maging pogi) at iba pa. Dahil sa
mga nakakaaliw na tugtog na naririnig ng mga mamimili sila ay nahihikayat upang
subukan ang produktong inaanunsyo.
Tumatatak
rin sa isipan ng mga tao ang mga tagalog na linya o islogan ng bawat produktong
benebenta sa pamilihan. Katulad rin ng Cornetto “Saan aabot ang 20 pesos mo?”,
Eskinol “Linis-Kinis”, Mcdo “Aldub ko to’”, Lactum “100% Panatag”, Jollibee “Bida
ang Sarap o ang Jollibee Yum Burger “Langhap Sarap”, Biogesic “Ingat”, Ceelin
“Protektado”, Bayantel “Gaganda pa ang buhay” Bingo
Biscuits “Bi-bingo ka sa sarap”, Chowking “Tikman and tagumpay”, Cobra Energy
Drink “Hindi umaatras and may tunay na lakas”, Datu Puti Vinegar “Mukhasim”,
Family Rubbing Alcohol “Hindi lang pampamilya, pang-isports pa!”, Fita Biscuits
“Parang life”, Globe Telecom “Abot mo ang mundo”, LBC “Hari ng padala”, Mang
Inasal – “Hahanap hanapin mo” , Mercury Drug Store “Nakasisiguro gamot ay
laging bago”, “Meralco “May liwanag and buhay”, M.
Lhuillier “Numero Uno ng Bayan”, Rebisco “Sarap ng filling mo” ,“Red
Horse Beer “Ito and tama”, SkyFlakes Crackers “Ito
na ang break mo”, Alaska Milk “Wala paring tatalo sa Alaska” at
iba pa. Dahil sa tulong ng pag-aanusyo sa telebisyon
ay tumatatak ito sa isipan ng manunuod at pumapatok sa isang tao ang mga
impormasyong nakalap muna sa programa.
Tulong
na rin ng patuloy na paglago ng teknolohiya sa mundo, nagkaroon na rin ng
ibat-ibang pamilihan sa internet o tinatawag na online shop. Maraming
entreprenyur na rin ang nagbebenta ng kanilang produkto gamit ang facebook,
websites at instagram. Katulad ng mga website na AyosDito.ph , Sulit.com at iba
pa. Sa unang kita o basa palang sa mga pangalan ng website na ito ay siguradong
maakit at maiengganyo ang tao na alamin ang mga bagay na binebenta sa tindahang
ito.
Ang
mga tagalog na pangalan ng mga negosyo ay nakatutulong upang higit na mahikayat
ang mga tao. Malaki ang naitutulong ang pagkakaroon ng magandang pangalan na
negosyo upang magkaroon ng malaking kita. Kung makakalikha ng mga kakaibang
pangalan ng negosyo na sa unang pagbasa palang ay magkakaroon ng ideya ang mga
mamimili tiyak na mas tatangkilikin ito ng mga tao. May mga simpleng filipinong
mga salita na labis ding tumatatak sa isipan ng mga tao ay mas mabuting
gamiting pangalan sa isang negosyo.
Ang
mga nabanggit na halimbawa ay ilan lamang sa patunay na higit na
nakakapaghikayat ang mga filipinong salita sa pagbebenta ng produkto. Dahil ang
wikang Filipino ang pinaka instrumento na dapat pahalagahan ng mga Pilipino sapagkat
ito ang susi ng pagkakaisa upang umunlad ang Pilipinas. Ang paggamit ng sariling
wika ay daan ng pagkakaunawaan at pagmamahalan ng bansang kinasasakupan.
Reference
Edwin R. Mabilin
(2012) Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino Todd (1987). Kahulugan at Katangian ng Wika. Page6-12
Winefreda T.
Asor, Ph.D. (2009). Entreprenuership in the Philippine Setting. Attributes,
Qualities and Characteristics of an Entrepreneur. Page14-17
Yenbehold
(2010). Wika at Panitikan. Batayang Kaalaman sa Wika.
http://siningngfilipino.blogspot.com/2010/07/batayang-kaalaman-sa-wika.html
Baguhangrakista (2011). Kahulugan
ng Negosyo. Ano ba ang Negosyo at Pagnenegosyo?
Francisco
J. Colayco (2013). Wikang
Filipino Para sa Maunlad Na Negosyo
Gellian
Grace Baaco et.Al. (2012). Ang kahalagan at mgakadahilanan kung bakit wikang filipino
ang ating wikang pambansaat ang kaugnayan nito sa unlad pang-ekonomiya.pdf
Pinoytechnoguide
(2012-2015). Online Shop in the Philippines
Victorino Abrugar (2011). List of
Famous Filipino Brand Names and Slogans
http://businesstips.ph/list-of-famous-filipino-brand-names-and-slogans/
Rafael
Martin Mendoza et.Al. (2010). Ang Kagandahan ng Pangalan ng Negosyo ay
Nakakahikayat sa mga Kostumer
http://gonegosyo-1-emid.blogspot.com/
Layunin
ReplyDelete