Monday, September 14, 2015

Imahinasyon

Ulilang lubos na si Jhay. Limang taon ng patay ang kanyang ina, ama at kapatid matapos maaksidente sa kanilang kotse noong uuwi sila sa kanilang probinsya. Siya lamang ang nakaligtas dito. Ngayo’y 25 na taong gulang na siya, nagtratrabaho sa isang kompanya dahil nakapagtapos siya bilang isang IT o Information Technology. Subalit siya ay may matinding pinagdadaanan sakanyang buhay. Siya ay kayumanggi, hindi katangkadan, hindi makinis ang mukha, simpleng manamit, tahimik, seryoso sa buhay at kitang kita ang lungkot sa kanyang mga mata. Nakatira siya sa lumang bahay na naiwan sakanya ng kanyang mga magulang at ipinamana pa ng lolo ng kanyang lolo. Kitang kita ang kalumaan ng kanyang bahay sapagkat ito’y gawa pa sa kahoy. Malawak ang kanilang tahanan na may dalawang kwarto sa ibaba at may apat na kwarto sa itaas. Ang ibang bintana nito ay sira na at ang bubong ay butas-butas. Hinahayaan nalang ito ni Jhay at hindi binibigyang pansin dahil siya nalang din naman ang mag isang naninirahan dito. Pinagtyatyagaan niya nalang ito at hindi pinapaayos. Kinalimutan siya ng parang bula ng mga tita at tito niyang nakakaalala lamang kapag may kailangan noon sakanilang pamilya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap ang kanyang forever kaya wala pa siyang iuuwing pamilya sa bahay na ito. At halos lahat ng kaibigan at kapit-bahay niya ay takot pumasok dito. Kahit na matagal nang wala ang kanyang pamilya lagi pa rin niyang nararamdaman na nasa paligid niya lang ang mga ito. Naririnig niya tuwing 3:00 ng madaling araw ang pagtunog ng mga pinggan na laging inaayos ng kanyang ina sa tuwing pagkatapos nilang maghapunan noon. Ang pagbukas ng radyo na tila tuwang tuwang nakikinig ang kanyang ama sa mga joke dito. Ang pag ugtol ng bola sakanilang sahig habang naglalaro ang kanyang limang taon na bunsong kapatid at ang pagyakap sakaniya ng paborito niyang kapatid habang natutulog at naglalambing. Sanay na sanay na si Jhay sa mga eksenang ganito at minsan sumisigaw na lamang siya ng “Ina, dahan dahan lang po sa paghuhugas” “Ama, hinaan niyo naman ang radyo at ang tawa ninyo dahil natutulog ang paborito kong kapatid” “Oh ikaw bunso, magpahinga ka na, halos maghapon ka ng naglalaro dyan ng bola mo ah” at sabay pipikit ulit at matutulog.
Isang gabi, 9:00pm na ito nakauwi sakanyang tahanan dahil pinag overtime sila ng kanilang boss at natagalan pa sa pagbyahe pauwi dahil sa walang humpay na lakas ng ulan. Pagkarating niya sa kanyang bahay ay agad siyang kumuha ng planggana na pinangsagod niya ito sa mga tumutulong tubig sa bubong. Pilit din niyang inaayos ang bintana na bukas sara sa sobrang lakas ng hangin. Ang kurtina nila ay nililipad na din na tila may babaeng nakatayo sa may bintana. Naririnig na din niya ang kanyang pamilya na natatarantang ginagawa pa rin ang madalas niyang naririnig tuwing 3:00 ng madaling araw. Napalakas din ng kulog at kidlat ng biglang nanghina si Jhay. Pumunta siya sakanilang paliguan habang nakayuko at nakita niyang may pumapatak na dugo mula sa kanyang mukha. Takot na takot itong humaranap sa salamin at nakita ang sarili na duguan ang buong mukha. Takang taka siya kung bakit ito dumudugo, nagmadaling naghilamos si Jhay at natuklasan niya na pumutok lang pala ang pinakamalaking tigyawat sa kanyang noo. Tumawa si Jhay ng napakalakas habang lumakad papasok ng kanyang kwarto sabay sabing ”Hahahahahaha, ang tagal tagal ko ng malungkot at ngayon ko nalang nakita ang sarili ko ganito kasaya. Siguro kailangan ko nang kalimutan ang nakaraan. Masyado akong nagpapaapekto sa mga taong wala na sa buhay ko. Alam kong mahal nila ako pero masyado ko nang pinapahirapan ang sarili ko dahil sa mga imahinasyon ko” at Tumila na rin ang ulan at natulog ng mahimbing si Jay, simula ng gabing iyon hindi na siya nag isip ng kung ano anong bagay.

Malaki ang pinagbago ni Jhay makalipas ang gabing iyon, mas naging masipag siya sakanyang trabaho at palangiti sa kapwa tao. Umiba na rin ang kanyang pananamit at mas naging pormal sa sarili, unti unti na ding nawawala ang mga tigyawat sa kanyang mukha. Makalipas ang isang buwan, nahanap na rin niya kokompleto sa buhay niya. Lumipat na rin sila ng tirahan, bago ito umalis at kalimutan lahat ng mapapait na alala sa lumang tirahan ay sinambit niyang “Paalam na, masaya ako dahil alam ko sa sarili ko na ayos na ako at masaya sa kung anong natira sa buhay ko”. At simula noon, masayang nagkapamilya si Jhay kasama ang kanyang asawang si Lily.

Retso


Isang panibagong araw na naman. Kagaya ng nakagawain ni Jay, gigising siya ng 5:00 ng umaga at maghahanda upang pumasok sa trabaho. Kakaiba ang araw na ito para sakanya. Nagmadali siyang maligo at ihanda ang kayang makakain. Masayang masaya siyang lumabas sakanyang tirahan at sumakay ng kotse. Pagkarating niya sa pinapasukan niyang kompanya isang masiglang bati ng “Umagang kayganda” ang kanyang sinasambit sa lahat ng kanyang nakakasalubong na tao. Masiglang ginagawa ni Jay ang lahat ng nakaatas na gawain sakanya. Lahat ng kaibigan niya ay nagtataka sa ikinikilos niya. Ngayon nalang ulit nila ito nakita ng ganito kasaya.
Mark: “Pare, bakit parang may iba sayo ngayon?”
Jay: “Pare! Ito na! Alam ko ito na ang tamang panahon”
Mark: “Pare, sigurado ka na ba dyan?”
Jay: “Oo pare, siguradong sigurado”
            Alam ng buong barkada na lahat ng nakakasama ni Jay na kumain sa isang magarang resto ay nawawala nalang sa buhay niya ng parang bula.
Jay: “Pare sigurado na talaga ito, bumalik na siya”
Mark: “Sige pare, suportado ka naming dyan” sabay tinapik ang balikat.
            Kagaya ng dati, magkikita sila ni Lea sa nakagawiang resto na kanilang kinakainan.
            Pagkatapos ng trabaho agad na inasikaso ni Jay ang kanyang sarili. Umuwi sa kanyang bahay, naligo, hinanap ang kanyang bagong biling damit na nasa aparador, isinuot ito, humarap sa salamin, ngumiti, nagpapogi at sinabi sa sarili: “Jay ito na talaga. Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito, ayusin mo.” Nang bigla siyang nataranta “Naku, 6:00pm na pala, baka mahuli ako nito traffic pa naman sa daan.” Agad na may kinuha nito ang maliit na kahon sa lamesa at sumakay sa kanyang sasakyan. Saktong 7:00pm nakarating na siya sa napagkasunduang lugar. Makalipas ang 30 minuto tila hindi pa rin dumadating ang taong kanyang hinihintay. Tila nanghihina na siya at nawawalan ng pag-asa. Akmang tatayo at patalikod na siya ng may biglang tumawag sakanya. “Jay, saan ka pupunta?” Humarap siya dito at sa paglingon niyang iyon lungkot at sakit ang kanyang nadama. Tila gumuho ang mundo niya at nawala ng isang iglap ang lahat ng plano niya. Pinilit niyang ngumiti sa harap ng taong pinakamamahal niya na kahit iniwan siya nito noon ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para dito. Lumapit si Lea sakanya ng may malaking ngiti at sinabing “Kumusta na Jay? Wala ka pa ring pinagbago ah.” Siya nga pala, pasensya na kung napatagal ang pagdating ko at pasensya ulit dahil aalis na din agad ako, madami pa kaming aasikasukin eh. Kasama ko nga pala yung mapapangasawa ko, nandoon siya sa labas hinihintay ako. Gusto ko lang talaga ibigay saiyo itong imbitasyon sa kasal ko. Sana makarating ka, saka gusto ko rin paglabas ng anak ko (sabay hawak sa tyan) isa ka sa magiging ninong niya. Yun lang Jay, Salamat sa lahat. Aalis na rin ako, kita nalang tayo sa Sabado, huwag mong kalimutan ha?” Sabay yakap ni Lea kay Jay at umalis. Samantala, si Jay ay naiwang nakaupo at tulala. Sa huling pagkakataon iniwan na naman siya ng babaeng kanyang dinala sa resto na ito. Nanglumo si Jay at nabitawan ang singsing na hawak niya. Umuwi siya sa bahay at dinaan nalang sa tulog ang lahat at inisip na isang masamang panaginip nalang ang nangyari sakanya ng araw na iyon.